SINO SI DONNA BESANA DATI?
* Si Donna Besana po ay isang simpleng magulang, na ang tanging hangad ay matustusan ang pangunahing pangangailangan ng aking mga anak. Simpleng ina na may pangarap na gustong makamit para sa aking minamahal na anak at pamilya.
PAANO NIYA NAKILALA SI ZY SHOP?
* Nakilala ko po ang ZY SHOP sa pamamagitan ng facebook, Buwan po ng Feb 2021 sa kanilang FB live. At duon rin po nabigyan ako ng pagkakataon na maging #zytopfan buwan ng March at manalo ng kanilang negosyo package, na tunay nga pong nag hatid ng saya at galak sa aking puso. Sa panahon po ng pandemya, ilan po sa ating mga kababayan ang naguguluhan at hindi alam kung paano magsisimula. Ngunit sa pagkakataon na nakilala at nabigyan din ako ng oportunidad ng ZY SHOP, hinubog at binigyan ako nito ng lakas upang sumubok, mag tiwala at patuloy na mangarap.
PAANO NAKATULONG SAYO NI ZY SHOP?
*Natulungan po ako ng ZY SHOP sa pamamagitan ng Dropshipping system na kahit wala po akong on hand items, Pwede parin po akong makapag pa order, kumita at magkaroon ng extra income. Malaki po ang naging tulong nito sa katulad kong walang trabaho at nasa bahay lang.
Tinulungan po ako ng ZY SHOP bumuo ng sarili kong negosyo sa aming munting tahanan, kasama ang aking pamilya. Natulungan din ako ng ZY SHOP para ma boost ko ang aking self-confidence na dati ay wala ako. Sa ZY SHOP madaming teachings akong natutunan at nadadala ko ito sa negosyong aking patuloy na pinapalago, mula sa mga webinar na libreng kaalamang ipinamahagi ng ZY SHOP para sa mga katulad namin na nagsisimula pa lamang.
MESSAGE SA MGA TAONG TAKOT MAGSIMULA NG NEGOSYO
Para sa mga takot ngunit may pangarap, Gamitin nyo ang inyong takot at gawin itong inspirasyon upang makamtan niyo ang iyong minimithi. Huwag nating hayaan na sakupin tayo pangamba, dahil hindi natin makakamit ang tagumpay kung takot tayong sumubok ang isang bagay. At kailangan din natin na manalig at magtiwala sa Diyos dahil gagabayan niya tayo sa lahat ng ating pangarap sa buhay. PWEDENG MATAKOT, PERO BAWAL SUMUKO! LABAN LANG PARA SA MGA PANGARAP
Thank you po Sa aming napakabait at mapagmahal na Ceo Miss Rahm Dagdag and Sir Jerkoy Garcia at sa lahat po ng aming Coaches God Blessed us all po
Commenti