top of page
Search

PATOK NA NEGOSYO NGAYONG 2022 – 5 TIPS KUNG PAANO NGA BA MALALAMAN

Ang dami ng nagbago ngayon 2022 lalo na’t nagpandemya, marami ng Pilipino ang naghahanap ng mapagkakakitaan tulad ng pagtatayo ng kanilang sariling business. Marami na din ang mga nagsulputang Bussiness offer na kung hindi man Beauty Products, Essential o RTW items. Iba kasi ang pakiramdam ng ikaw ang boss ng sarili mong negosyo, ikaw ang bahala sa schedule mo, mas marami kang time para sa pamilya mo.


Kung ikaw ay nagiisip ng business na sisimulan mo ngayong 2022 ano nga bang dapat mong i-consider?

Ito ang 5 tips na dapat tignan sa isang negosyo bago magsimula.





NEGOSYONG KAHIT SAAN PWEDE

Sa pagnenegosyo ngayon hindi na uso ang nasa iisang lugar ka lang, mas maraming market mas mataas ang posibilidan ng kita. Dapat maghanap ka ng negosyong pwede mong itayo kahit saan. Yung negosyo no need ng pwesto para less ang gastos




NEGOSYONG MARAMING WAYS OF EARNING

Pagnaghanap ka ng negosyo kahit iisang lang pero kikita ka sa maraming paraan, yung pwede kang pang off line market, pwede ding pang online. Sa online kasi ngayong kahit ano pwede mo ng maibenta kaya maghanap ka ng negosyo na dapat iba iba ang pwedeng I-offer sa masa, RTW, Branded Items, Shoes, Bags, Perfume and more! Mas maraming items, mas maraming customers, mas Malaki ang income.




NEGOSYONG MURA PERO DEKALIDAD

Marami ng Business offer ngayon na nagsusulputan, pero paano mo nga ba malalamat yung quality ng items yet mura lang? dapat maghanap ka ng negosyong mapapakita nila yung items, yung pwede mong puntahan para makapili ka, yung mura pero may effort na i-video call ka para Makita yung items na gusto mo. Dahil kapag alam mo yung items mas mabilis mong maibebenta to.




NEGOSYONG MAY DROPSHIPPING

Dapat yung business na pipiliin mo may proseso na magpapadali sayo para kumita. Yung may dropshipping process para less hassle ka na. Yung kahit nasa bahay ka lang at nakahilata pwede kang kumita. Ang sarap kaya non! Yung post ka lang, deal and Earn!



NEGOSYONG KAHIT OFW KA PWEDE

Nasa ibang bansa ka ba pero gusto mo pa din kumita at makapagsimula ng business sa pilipinas? Yung gusto mo pag uwi mo sa pinas may nasimulan ka na?

Dapat yung negosyo pipiliin mo yung OFW ka man ee pwede kang makapagsimula, yung tuturuan ka kahit nasa ibang bansa ka pa. May malasakit sayo at magbibigay ng extra income sa pamilya mo. Mas masarap kasi sa feeling ng isang OFW yung pag uwi mo may makikita ka sa pinaghirapan mo at hindi ka back to zero. Yung this time ikaw naman ang boss ng sarili mong negosyo.



Gusto mo na bang mahanap ang negosyong patok at babagay sayo? Panoorin mo ito at malay mo ito na ang swak sayo.








2,019 views0 comments

Comments


bottom of page