Search
  • ZY SHOP

KWENTONG TAGUMPAY WITH ZY NI KIKING REYES

Talagang totoo ang kasabihan na hindi pa huli ang lahat para magsimula muli sa una. Napatunayan ‘yan ni Aigie Reyes o “Kiking” na halos sa ika-tatlong taon bilang OFW lamang naisipang mag-negosyo. Nung unang mga taon nya bilang overseas worker, ay “feeling millionaire” daw sya kada sumasahod. Puro labas ang pera nya—nagsisisi sy dahil tila walang napupuntahan ang pagod nya. Sa ikatlong taon nya sa Jeddah ay dapat uuwi na si Kiking sa kanyang pamilya sa Davao ngunit dahil sa mga kamag-anak na nakadepende sa kanya, ay napilitan syang mangibang bansa ulit. Doon nya naisipang mag-negosyo. Halos Php25k ang ipinundar nya sa isang network marketing na nagbebenta ng food supplement. Hindi ito pumatok kaya sa paghahanap pa ng ibang negosyo ay nakita nya ang “How to be an Entrepreneur” video ng Zy Shop sa Youtube. Alam nyang determinado sya at kaya nyang maging business woman, kaya tumaya sya muli. Ngunit lahat ng tagumpay ay may ilang sakripisyong kapalit. Ang kanyang dating vlogging account sa Facebook ay ginawa nyang business account. Puspusan ang pag-promote nya sa kanyang negosyo kaya naman, hindi nakapagtataka na isang buwan lang simula nang maging member ay naging Gold Member na sya ng Zy Shop, o ‘yong isa sa may pinakamalaking benta ng mga branded overruns na damit. Bukod sa sakripisyo, isa sa mga maituturing na susi sa tagumpay ni Kiking ay ang kanyang inspirasyon na anak at ang kanyang life partner sa Pilipinas. Habang si Kiking ay naghahanap ng mga reseller, ang kanyang partner ang nag-aasikaso ng mga transactions at shipping. Maraming aspeto ang tagumpay ni Kiking bilang entrepreneur, kaya naman hanggang ngayon ay tuloy pa rin sya sa pagpupursigi upang maabot ang pangarap nyang magkaroon ng warehouse at maging supplier ng branded overruns at iba pang produkto ng Zy Shop sa kanyang hometown sa Davao Oriental. Ito ang kwento ni Aigie “Kiking” Reyes, isa sa mga katuwang ng Zy Shop sa pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa mga Filipina entrepreneur. Para sa iba pang detalye, mag-like lamang at mag-subscribe sa mga social media accounts ng Zy Shop. At kung interesado ka na magkaroon ng negosyong hindi ka bibiguin, mag-text lang at tumawag sa 09058809339


#TATAKZY #ZYSHOP #ZYSHOPWORLDWIDECOMPANY




30 views0 comments